Paraan ng pagluluto ng Bicol Express

 PARAAN NG PAGLULUTO NG BICOL EXPRESS


         Ang Bicol Express o sinilihan ay isang sikat na pagkaing pinoy na patok sa panlasa ng tao, ito ay nagmula at ginawang tradisyon sa lalawigan ng Bicol. Maraming bicolano ang mas pinipiling lagyan ng mas maraming sili ito upang mas mapatapang o mas mapa anghang ang putaheng ito. Maipapaliwanag kung ano ang mga kasangkapan at mga dapat gawin sa pagluluto nito.


Mga Kasangkapan: 

     1kg Baboy, sibuyas, bawang, bagoong alamang, 1 tasa ng gata, seasoning, siling labuyo o siling haba (depende sa anghang na gusto), mantika.


Mga Hakbang:

     Una, maghanda ng kawaling paglulutuan ng bicol express, maglagay ng mantika kapag mainit na ang kawali, sunod ay gisahin ang bawang at sibuyas kasabay ng baboy, haluhaluin hanggang sa maluto ang baboy, ilagay ang seasoning para sa dagdag na lasa, kapag luto na ang baboy ay ilagay ng bagoong alamang at gisahing muli, pagtapos ay ilagay ang gata,pakuluin hanggang sa lumapot ang gata at magsilibing sarsa nito.

          Ngayon ay pwede nang ihain at pagsaluhan ng buong pamilya.


     


Comments